
Sa gitna ng mga umiikot na ulat tungkol sa ilang aktibidad sa Paliparan 3, Dasmariñas—partikular na sa karnabal area na sinasabing may presensya ng mga iligal na sugal gaya ng color game at drop ball—lumalakas ang panawagan ng publiko para sa mas malinaw at opisyal na paliwanag mula sa mga kinauukulan, kabilang na po ang manager-owner-founder na nagngangalang Ka-Egay.
Ayon sa ilang alegasyon na hindi pa kumpirmado, may mga “pwesto” umano siya na patuloy na nakikita sa lugar na ito, at binabanggit din ang pangalan ng ilang bantay o tagapagpatupad ng kaayusan.
Gayunman, mahalagang idiin na ang mga ganitong usapin ay dapat dumaan sa masusing beripikasyon upang maiwasan ang maling paratang at hindi makatarungang pagdawit ng pangalan.
Sa kabilang banda, sa Rosario, Cavite naman, may mga positibong ulat din daw na lumalabas, na nagpapakita ng ibang kalagayan ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit mas lalong nagiging mahalaga ang malinaw na impormasyon upang maihambing ang tunay na sitwasyon sa bawat lugar.
Sa huli, ang mahalaga ay ang katotohanan at transparency.
Kung talagang may isyu, nararapat itong imbestigahan. Kung wala naman, dapat ding malinaw itong maipaliwanag upang maibalik ang tiwala ng publiko at ng mga magulang at simbahan na umaaray diumano sa pagkakahumaling sa pergalan kung umaabot diumano sa libo-libo ang tayaan dahil 3x daw ang panalo.
Totoo kaya ito? Abangan…
*
Paalala: Ang mga opinyong nakasaad sa artikulong ito ay sa may-akda lamang at hindi kinakailangang sumasalamin sa pananaw ng kolumnista, ng pamunuan, o ng publikasyong pinagmulan nito. Ang publikasyon ay walang pananagutan sa anumang legal na usapin na maaaring magmula sa nilalaman ng artikulo.